Gatchalian to BSP: Force e-wallets to cut ties with online gambling platforms
August 8, 2025
Gatchalian to BSP: Force e-wallets to cut ties with online gambling platforms
Senator Win Gatchalian called on the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to disallow e-wallets from directly linking their digital platforms to online gambling sites.
"The BSP should prohibit e-wallets from providing direct links to online gambling platforms. By severing this direct connection, the BSP can protect countless Filipinos from the destructive cycle of gambling addiction," Gatchalian said.
He noted that direct access to online gambling platforms has allowed many Filipinos, including young people, to engage in online gambling which often leads to financial ruin.
"Pwede nang i-ban ng BSP 'yung connection ng e-wallets sa mga online gambling. Ito kasi ang isang nagiging pinto sa pagsusugal ng mga kababayan natin dahil napakabilis nilang maka-connect sa mga online gambling sites," he added.
Gatchalian had earlier filed a bill seeking stricter regulation of online gambling in the country. One of the provisions of the proposed measure includes a prohibition on non-bank electronic money issuers, such as e-wallets, from directly linking their electronic instruments to online gambling platforms through URLs, including app links, hyperlinks, and other similar methods.
Gatchalian: Tigilan na ang Direktang Access ng E-Wallets sa Online Sugal
Mariing nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na agarang ipagbawal ang direktang pagkakaugnay ng mga e-wallet sa mga online gambling sites upang pigilan ang paglaganap ng sugal sa digital platforms.
"Dapat ipagbawal ng BSP ang pagbibigay ng direktang link ng mga e-wallet patungo sa mga online gambling platforms. Kapag nangyari ito, mapoprotektahan ng BSP ang maraming Pilipino laban sa paulit-ulit na bitag ng pagkakalulong sa sugal," ani Gatchalian.
Sabi pa ng senador, ang direktang access sa mga online gambling platforms ang nagiging daan para sa maraming Pilipino, kabilang na ang mga kabataan, na masangkot sa online gambling na kadalasang nauuwi sa pagkakabaon sa utang o pagkawasak ng kanilang kabuhayan.
"Pwede nang i-ban ng BSP 'yung koneksyon ng e-wallets sa mga online gambling. Ito kasi ang isang nagiging pinto sa pagsusugal ng mga kababayan natin dahil napakabilis nilang makakonekta sa mga online gambling sites," dagdag pa niya.
Nauna nang naghain si Gatchalian ng panukalang batas na layong higpitan ang regulasyon sa online gambling sa bansa. Isa sa mga probisyon ng panukala ang pagbabawal sa mga non-bank electronic money issuers, gaya ng e-wallets, na direktang iugnay ang kanilang mga electronic instruments sa online gambling platforms sa pamamagitan ng mga URL, app links, hyperlinks, at iba pang kahalintulad na pamamaraan.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
