Cayetano: Keep same focus on urgent issues beyond VP impeachment
August 8, 2025
Cayetano: Keep same focus on urgent issues beyond VP impeachment
Senator Alan Peter Cayetano on Wednesday called for the same focus on urgent national concerns that Congress has poured into the impeachment case against Vice President Sara Duterte since its transmittal to the Senate in February.
"Hindi tayo makawala, eh. Ang daming mas importanteng isyu, pero nakapako tayo sa isyu na ito," Cayetano said in his explanation for voting in favor of Senator Rodante Marcoleta's motion to archive the articles of impeachment on August 6, 2025.
The senator stressed that while political investigations will continue, the same attention should be given to equally pressing issues.
He cited long-standing problems such as corruption, stunting, flooding, and the country's growing debt as equally deserving of public scrutiny.
"Tuloy-tuloy na ang mga imbestigasyon na 'yan kasi ganoon ang pulitika sa Pilipinas. I hope na y'ung sa baha, corruption, smuggling, at sa dami-rami nating utang, ay imbestigahan din," he said.
Cayetano reiterated that accountability must always be pursued, but it must be done at the right time and through the correct process.
"Tinignan ko po ang Supreme Court decision, solid po ito, at hindi nito inaalis ang kapangyarihan sa House to initiate impeachment. Sa February 6 [2026] po sigurado na 'yan," he said.
"We in this room are all for accountability but tama y'ung sinabi ng Supreme Court na dapat ay sa tamang panahon at tamang proseso," he added.
Cayetano urged his fellow lawmakers to match the months-long attention given to the Vice President's impeachment with the same energy in addressing other national concerns.
"Sana kung ano ang naging discussion since February 5 [2024] dito na nakatuon kay Vice President Sara Duterte, sana kung sino ang guilty sa mga pagbaha, ganoon din tayo. Sana po kung ano ang cause ng pagkabansot o stunting, corruption, ganun din araw-araw na talagang 'wag natin tantanan," he said.
Cayetano: Bigyan ng kaparehong atensyon ang ibang isyu gaya ng sa VP impeachment
Iginit ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules na ibigay din ang kaparehong atensyon sa mga mahahalagang isyu ng bansa katulad ng ibinuhos ng Kongreso sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte mula nang maisumite ito sa Senado noong February.
"Hindi tayo makawala, eh. Ang daming mas importanteng isyu, pero nakapako tayo sa isyu na ito," wika ni Cayetano sa kanyang paliwanag kung bakit siya bumoto pabor sa mosyon ni Senador Rodante Marcoleta na i-archive ang articles of impeachment nitong August 6, 2025.
Ayon kay Cayetano, normal na magpatuloy ang mga imbestigasyon sa pulitika, pero dapat ganito rin ang atensyon sa ibang problemang matagal nang nagpapahirap sa bansa.
"Tuloy-tuloy na ang mga imbestigasyon na 'yan kasi ganoon ang pulitika sa Pilipinas. I hope na y'ung sa baha, corruption, smuggling, at sa dami-rami nating utang, ay imbestigahan din," wika niya.
Dagdag pa niya, dapat laging isulong ang pananagutan pero siguraduhin na ito ay ginagawa sa tamang oras at tamang proseso.
"Tinignan ko po ang Supreme Court decision, solid po ito, at hindi nito inaalis ang kapangyarihan sa House to initiate impeachment. Sa February 6 [2026] po sigurado na 'yan," wika niya.
"We in this room are all for accountability but tama y'ung sinabi ng Supreme Court na dapat ay sa tamang panahon at tamang proseso," dagdag niya.
Hinimok din ni Cayetano ang mga kapwa mambabatas na maglaan ng kaparehong atensyon sa ibang mahahalagang isyu gaya ng ginawa sa impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.
"Sana kung ano ang naging discussion since February 5 [2024] dito na nakatuon kay Vice President Sara Duterte, sana kung sino ang guilty sa mga pagbaha, ganoon din tayo. Sana po kung ano ang cause ng pagkabansot o stunting, corruption, ganun din araw-araw na talagang 'wag natin tantanan," wika niya.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
