Quezon City Press
SEE OTHER BRANDS

Your daily news update on Philippines

Transcript: Interpellation of Senator Rodante D Marcoleta

PHILIPPINES, August 4 - Press Release
August 4, 2025

Transcript: Interpellation of Senator Rodante D Marcoleta
04 August 2025

Office of Deputy Majority Leader Senator Rodante D. Marcoleta

*Marcoleta: Tatlong beses nasampal ang sambayanang Pilipino*

Transcript: Interpellation of Senator Rodante D Marcoleta (SRDM) on the privilege speech of Senate Pro Tempore Sen Jinggoy Estrada (SJE)*

*Senate Plenary*

*SRDM:* Thank you, Mr. President. I know my friend will yield to a few clarificatory questions by way of interpellation.

*SJE:* How did you know that I will yield?

*SRDM:* Wala ka namang choice eh. (smiles)

*SJE:* Gladly, Mr. President. I feel honored.

*SRDM:* Mr. President, I want to know if the Honorable Senator is also aware of several falling bridges before this bridge, which is the subject matter of his speech...

*SJE:* I am not fully aware of any bridge that has collapsed.

*SRDM:* May I?...

*SJE:* Here, my staff just gave me a list of the bridges that have collapsed in October 28, 2024. (Note: Please double check names) The Magapi Bridge in Balete, Batangas collapsed allegedly due to strong flood currents and the large number of uprooted trees carried by the water during Typhoon Christine.

And the Bantilan Bridge, a 30-meter concrete span connecting Batangas and Quezon, allegedly collapsed on October 29, 2022, allegedly due to raging river currents and floods. And the Carlos Romulo Bridge in Bayambang, Pangasinan collapsed on October 20, 2022. The collapse was allegedly caused by two overloaded dump trucks that exceeded the bridge's weight capacity.

And the Borja Bridge collapsed on June 16, 2022. This was allegedly caused by a 12-wheeler dump truck that exceeded the bridge's weight limit. And the Loay-Clarin Bridge, I think this is in Bohol, which spans the famous Loboc River.

And this resulted in four fatalities and 18 injuries. And the bridge under construction in Colafu, Magsaysay, Marilong District, Davao City, collapsed on February 18, 2022, while workers were filling its floor with fresh concrete. And lastly, the steel bridge collapsed in Barangay San Ysidro, Majayjay, Laguna on January 29, 2022.

That's all, Mr. Chair.

*SRDM:* So Mr. President, I think the Honorable Senator will agree that we're fast becoming a country of falling bridges.

*SJE:* I agree with you, my good friend Senator Marcoleta.

*SRDM:* In regard to this bridge in Isabela, as a matter of your speech, Mr. President, wala bang weighing scale or weighing station or weighing facility na itinilaga ang local government or national government para sa ganon ang lahat ng dadaan ng mga behikulo? Kasi Mr. President alam naman natin na Isabela ay agricultural economy. It consists of something like 29.8% agriculture products and 25% industry. Kaya kinakailangan po siguro merong taga-timbang sa lahat ng trucks na dadaan.

Napaka-simple naman siguro problema ito. Bakit wala man lang nakaisip na maglagay po ng isang timbangan doon para sa mga sasakyan na dadaan?

*SJE:* Sa aking pagkakaalam po, Ginoong Pangulo, ay wala pong weighing bridge na nakalagay sa Cabagan-Santa Maria Bridge. Kaya siguro bigla nilang pumasok itong overloaded na truck na nag-weweigh ng 89.63 metric tons.

Kaya bumagsak. Overweight ito ng 43 metric tons. Kaya siguro bigla bumagsak ang tulay ng Cabagan-Santa Maria Bridge.

*SRDM:* Sa inyong speech, Mr. President, your honor, na isa sa nakadidismaya matapos ito'y ma-imbestigahan sa panginguna ng ating kasama, Sen. Alan Peter Cayetano, ay nabahala po kayo na malinaw na may kawalan ng pananagutan mula sa mga taong responsable sa pagpapatupad ng proyekto nito.

*SJE:* Tama po kayo.

*SRDM:* Ibig bang sabihin po ay hindi natukoy ng imbestigasyon ng ating kasamahan ang mga responsableng tao na may kasalanan dito sa bagay na ito?

*SJE:* Ginoong Pangulo, ang sa pagkkaaalam ko, fact finding lang po ang ginawa ng DPWH. Wala pong mga pangalan na binanggit. Ngayon kung ako po'y tatanungin n'yo, kung sino-sino po ang magiging responsable ay sasabihin ko po sa inyo.

*SRDM:* Salamat po Mr President your honor. Kasi meron kayong binanggit dito na dalawang assistant secretary ng DPWH sa panahon na ginagawa ang proyektong ito na nakatalaga sa Region 2, at 3 undersecretaries naman ang malinaw na meron ding control sa budget at supervision sa panahon na ito'y ginagawa.

*SJE:* Tama po kayo.

*SRDM:* Para malaman po ng ating kapulungan, maaari po bang sabihin natin kung sino po itong mga taong tinutukoy po ninyo?

*SJE:* Nagtanong na rin po kayo kung sinu-sino itong mga tao, ni hindi ko nga po nabanggit sa aking privilege speech. Subalit nagtanong po kayo, mapipilitan ko pong ibulgar kung sino-sino itong mga taong responsable sa pagpagsak, sa pag collapse, ng tulay.

Unang-una, (please double check names) si Assistant Secretary for Regional Operations, Loreta Malaluan, she succeeded Mary Bueno, now Asec Bueno, as Region 2 Director. The time when the bridge project was already facing structural problems.

Siya ang nagrekomenda noong January 2021 na pondihan ang retrofitting na nagkakahalga ng P233.5 million o yung pagsasagawa ng epoxy crack repairs in March 2022 she formally requested that the project be reclassified from a replacement to a retrofitting-strengthening project given the persistent structural issues.

Pangalawa po Ginoong Pangulo Assistant Secretary for Regional Operations in Visayas and Mindanao Mary D. Bueno. Sya po as then Regional Office 2 Director, Engr. Bueno was involved in the implementation of Phase 1 and Phase 2 of this project in 2018, then Project Engineer Felipe Lingan began reporting early signs of possible bridge failure.

Noon palang 2018 nakitaan na nitong si Mr. Lingan na medyo malapit na mag collapse o may failure, early signs of bridge failure. These warnings were either not acted upon or were not sufficiently addressed under Bueno's leadership which became a notable concern in later investigations.

Ginoong Pangulo yung tatlo pong nabagnggit ko na undersecretaries, na papangalanan ko rin ngayon. Ito hanggang ngayon ay nanunungkulan pa rin bilang undersecretary ng DPWH.

Unang-una, Undersecretary for Regional Operations in Luzon, G. Eugenio Pipo Jr., siya ang nangasiwa ng construction ng tulay nang sinimula ang pagpapagawa nito noong 2014.

...Secretary for Operations. It was under his watch that the early stages of construction proceeded even when structural issues began to surface. And in June 2018, the DPWH engineers identified critical defects after the concrete slab was poured at Span 8.

Among the most alarming were sheared boards and shifting columns, clear indicators of serious design and construction flaws. Yet, despite these warnings, construction continued with no decisive intervention from Pipo's office.

His failure to halt the project or escalate the issue for re-evaluation allowed the risks to persist unaddressed.

Pangalawang Undersecretary for Regional Operations in Visayas and Mindanao, G. Ador G. Canlas. Siya po ay Assistant Secretary for Regional Operations Cordillera, Regions 1, 2, 9, and 13 noong taong 2022.

Retrofitting began in 2023, with Php 285 million allocated for structural strengthening. The engineering designs were completed and submitted, and multiple iterations of the as-staked (?) plans were prepared by DPWH Region 2. And during this phase, Undersecretary for Technical Services Ador Canlas became directly involved. He approved key engineering plans on December 19, 2023, and later a revised retrofitting plan on May 22, 2024. These approvals were crucial in authorizing the construction activities intended to stabilize the bridge.

And lastly, Mr. President, Undersecretary for Planning Service and Public-Private Partnership Service Maria Catalina Cabral. Ang kanyang opisina ang nag-aproba para pondohan ang isinagawang kontrobersyal na retrofitting ng tulay na dapat ang kontraktor ang gumastos dahil nasa ilalim ng warranty period.

Dahil dito, gumastos pa ang ating gobyerno ng karagdagan na Php 400 million. Ang halagang ito ay 50% ng original contract price ng tulay. Yan lang po, Ginoong Pangolo.

*SRDM:* Mr. President, tatlong Undersecretaries, ibig ba sabihin ito may basbas ito sa kanilang Secretary?

*SJE:* Well as aking palagay command responsibility po yan. Hindi naman po kikilos itong Undersecretaries kung walang basbas ang namununo.

*SRDM:* Sinabi n'yo po rito Mr. President na ang mga taong binanggit ninyo ay nabigyan pa ng karagdagang trabaho. Ano pong mga karagdagang trabaho ang naibigay pa?

*SRDM:* Habang binabasa n'yo po, mayroon akong nabasang isang parang briefing na dalawa po sa inyong nabanggit na Undersecretaries, parang nagkaroon po ng pagbabago... atas ng panibagong katungkulan nagmula mismo sa tanggapan ng DPWH. Tama po kayo? Mr. President?

*SJE:* Tama po kayo.

*SRDM:* At binanggit din po ninyo sa inyong speech, na tila kayo'y nagsususpetsa at maaaring sila ang pinatutungkulan ng Pangulo noong sinabi niyang "Mahiya naman kayo!" Ano po ang pinagbabatayan niyo rito?

*SJE:* Malamang itong sinasabi ng ating Pangulo na pinatutungkulan ng ating Pangulo, na "Mahiya naman kayo!" ay palagay ko itong opisyales ng DPWH na kasangkot o kasabwat sa pagpapatayo nitong collapsed bridge na ito sa Isabela.

*SRDM:* Siguro po, parang mas tamang isipin natin, ilan lang siguro sila sa pinatamaan ng Pangulo. Kasi noong sabihin po ng Pangulo ito, nakaharap po sya sa Kongreso eh. *Napakarami pong contractor po Doon eh.* [laughter in the gallery]

*SJE:* Kayo po ang nakakaalam nyan dahil kayo po ang galing sa House of Representatives.

*SRDM:* Kasi po kayo po ay tinatanong ko kayo kung kayo ay sang-ayon? Kasi baka mas marami ang pinatutungkulan ng Pangulo. Hindi lamang po bagsakan ng tulay ang pinag-uusapan doon.

*SJE:* Hindi po ako ang makakasagot nyan sapagkat...

*SRDM:* Bakit naman po hindi kayo makakasagot?

*SJE:* Hindi po ako ang galing sa HREP. Kayo po ang nanggaling sa House of Representatives� malamang kayo po ang nakakaalam kung marami po ang pinatutungkulan ng ating Pangulo...

*SRDM:* *Talagang marami, ako po ang sinasabi ko po sa inyo, marami pong contractor doon.* Ang tanong ko lang, kung kayo'y sumasang-ayon sa aking pananaw....

*SJE:* Ahh yes sumasang-ayon po ako. [Giggles in gallery]

*SRDM:* Ayun.

*SJE:* Kung kayo po ay naniniwala, naniniwala na rin ako. [Giggles in gallery]

*SRDM:* Mr. President, hindi ba pangkaraniwan kapag mayroon po tayong itinatayong isang infrastructure, lalong-lalo na po yung mga vertical infrastructure, malimit po nating nakikita na katabi po iyong mayroon pong parang banner yung anong tawag doon?

Mayroong billboard po ang COA kung saan nakalagay yung ilang mga detalye, pangalan ng proyekto, yung halaga ng proyekto...

*SJE:* Minsan po pangalan ng pulitiko andoon...

*SRDM:* ...Yung halaga ng proyekto, yung description hanggang saan, yung contractor kung sino yun.

Pero nananatili lang, isang billboard, ni hindi naman nagkakaroon ng updated report ang COA kung ilang prosyento na halimbawa after a while ang natatapos? Nananatili lang isang billboard na akala mo ay nagbabantay project?

*SJE:* Tama po kayo..

*SRDM:* Kaya ko po tinatanong ito, nangyari po ito sa Misamis Occidental. Nagtayo ng isang irregular na proyekto, sa pondong pondo pa lang Mr. President. Saan ka nakakita ng isang housing project, ang pondo manggagaling sa DPWH? So nang tanungin ko ang auditor sapagkat sila naman dapat nakabantay sa lahat ng proyekto, alam mo ba kako ito na nanggaling sa... "Hindi po." Alam mo ba rin kako na yung titulo ng pinagtayuan ng project na yan na hindi pag-aari ng siyudad? "Hindi rin po." Wala ba kako kayong pakialam, dahil kayo po ang security guard ng pera ng gobyerno? "Nakikialam po." Kailan po kayo makikialam? "Pagka tapos na po ang project." Akala ko ba kako ang COA ay mayroong preventive measures, action....

Ibig mong sabihin kako pag natapos na po talaga ang project, ngunit ang titulo po ay pag-aari ng mga pribadong mga mamamayan...sino ang may-ari ng project? Wala pong maisagot.

Ngayon po itong privilege speech, Mr President, Your Honor, ay salamin lamang ng isang napakalaking anomalya na nagaganap sa ating bansa. At salamat po sapagkat kahit na ito po ay isa lamang sa mga bagay na maaaring makapagbigay po ng alalahanin sa ating mga mamamayan sapagkat ito po ay pera ng bayan, lalong lalo na po yung binanggit ninyong mga opisyal ng pamahalaan na parang kasangkot pa sa mga pangyayaring ito, na maaaring ang pwesto po nila ay nagpalipat-lipat sa ilang mga lugar, spaagkat ito pong mga listahan ng mga bumagsak na tulay, kung makikita po niyo ang tatlo sa binanggit niyo sa Luzon po.

Samakatwid ay ulit-ulit po ito, parang napkasama pong pagsasalamin, kagaya po ng ginawa ninyo, sabi n'yo eto pa naman ay isang symbol of the strength and connectivity. Para v nasira po yung simbolo na yun Mr. President.

Ano po ang iniisip po nyong gawin?

*SJE:* Sana po ay maimbestigahan po ito sa lalong madaling panahon...

*SRDM:* Eh inimbestigahan na po ng ating kasamahan...

*SJE:* Dito po sa inyong committee, SA Blue Ribbon Committee.... Spaagkat ang involved dito, ay mga opisyales ng ating gobyerno. Lalong lalo na po sa of course sa DPWH. At masagot ko lang po yung inyong katanungan kanina doon sa mga undersecretary na nabigyan pa ng karagdagang trabaho...

Base sa mga department orders na aming nakuha, na-promote pa si Engineer Loretta Malaluan from Regional Director in Regional Office 2 to Assistant Secretary for Regional Operations in Luzon. Si Mary Bueno po ay dating Regional Director sa Region 2 at napromote bilang Assistant Secretary for Regional Operations in Visayas and Mindanao. Si Eugenio Pipo ay dating ASec lamang bago naging undersecretary. Ganun din po si Usec Ador Canlas

*SRDM:* Salamat po sa impormasyon. Mayroon po kayong binanggit na retrofitting ang ibig n'yo pong sabihin, ito pong tulay ng Cabagan na ito ay maliban po sa ito'y ginastusan ng pamahalaan, yung retrofitting ginastusan pa rin po ng pamahalaan?

*SJE:* Opo, ginastusan pa rin po ng ating pamahalaan.

*SRDM:* Pagkatapos ng dalawang gastusan ito po ay bumagsak?

*SJE:* Tatlong gastusan. Hindi lang dalawa. Ang retrofitting po ang ibig sabihin po ng retrofitting sa pagkakaalam ko hindi po ako inihinyero ano? Sa pagkakaalam ko, is to strengthen the structure, pero nagastusan na ng gobyerno ang retrofitting, bumagsak pa rin after so many weeks.

Kaya nakakagulat at gumastos pa ho ng P400M ng ating gobyerno for the retrofitting cost.

*SRDM:* Eh babagsak po talaga yung....

*SJE:* Dapat po, at sa aking palagay, dpaat po ang contractor ang dapat mag-shoulder ng expenses ng retrofitting, hindi po ang gobyerno.

*SRDM:* So tatlong beses pong gumasta ang pamahalaan...

*SJE:* Opo.

*SRDM:* At bumagsak...

*SJE:* At bumagsak po rin.

*SRDM:* So tatlong beses pong nasampal ang Pilipino.

*SJE:" Tama po kayo.

*SRDM:* Salamat po Mr. President.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Share us

on your social networks:
AGPs

Get the latest news on this topic.

SIGN UP FOR FREE TODAY

No Thanks

By signing to this email alert, you
agree to our Terms & Conditions